45 minute drive from Alabang, nasa Manila Ocean Park na kami. Malaki ang parking area at libre pa. Yun nga lang kailangan mo maglakad ng konti sa initan para makarating sa main entrance.
May reasonable promos ang MOP, starting at 500 pesos. Ikaw na lang ang pipili kung anu-anong activities sa promo ang gusto mo. Our choice was the Sun Up Saver promo. For 600pesos included na dito ang entrace, oceanarium entrace, sea lion show, fish spa and jellies entrance. Not bad.
finding Nemo |
The highlight of the whole oceanarium is the Buhay sa Karagatan section. Ito yung tunnel na akal mo nasa ilalim ka ng dagat tapos kakainin ka ng pating. Ganda!
under the sea |
Enchanting naman ang feel sa Jellies section. Hindi mo maiisip na nakaka-buwisit ang mga jellyfish na 'to kapag na-sting ka sa beach.
dancing jellyfish |
Pero patok talaga sa akin ang fish spa. Namputa, para akong nakikipagkingkingan sa tatlong lalaki sa landi ng sigaw ko. Eh kasi naman, nakakakiliti talaga sa talampakan!
extra challenge: fish spa! |
shark attack! |
Holler lang mga dude, bawal ang camera flash sa loob. Kawawa naman daw kasi yung mga isda, masakit sa eyes nila. Kaya pahirapan kumuha ng pektsur na maliwanag.
Kasama din ang sea lion show sa promo. Although this is my 3rd time na makapanood ng show kaya hindi ako masyadong excited. May nakachikahan kasi akong staff dati ng Ocean Adventure. Sabi niya yung mga sea lion daw (at dolphins) na nagso-show eh gutom. Kaya sila sumusunod sa mga utos sa kanila. Somehow, nakakalungkot isipin. Para mapasaya yung mga bisita, gugutumin nila yung kawawang hayop.Tsk.
Astig.
=)