Thursday, June 9, 2011

Happy Liempo

Kung hindi ako nagtatrabaho sa GMA ngayon, malamang chef ako.

Oo, mahilig ako magluto kasi mahilig akong kumain. At mahilig ako magpakain ng...food na niluto ko! Ummm, bastos ng isip.

Nakakapag-marathon ako ng Food Channel ng tatlong araw. Kaya umay na umay na yung nakakasama ko kasi puro pagkain ang nakikita sa TV.

Super chef-crush ko si Giada de Laurentis. Sa kanya ko na-realize na hindi lahat ng chef eh dapat kamukha ni Mama Sita o ni Heny Sison. Pwede palang sexy at pretty ang chef.

Trip ko din ang cook-spa. Nagluluto ako ng kung anu-ano para ma-relax ang utak ko. Noong isang araw nag-grocey kami ni DS. Tapos napagtripan namin magluto ng grilled liempo. Pero may kakaiba sa marinade na ginagawa namin.

Ang title ng recipe ay Happy Liempo. Ito yung ingredients.


Apple cider vinegar, oysters sauce, all spice at coke. Ohhhhh divahhh?! Talagang happy ang liempo kasi naka-softdrinks pa siya. Infer, masarap. O try mo!

Astig.




=)

No comments:

Post a Comment

let's volt in!