Tuesday, June 7, 2011

masarap sa puso ang tumulong

Mag-uumpisa na ulit ang school year kaya naman puro problemang pang school ang mapapanood mo sa TV. Nakakalungkot at the same time nakakainis ang sistema ng education natin. Walang upuan, walang classroom, walang teacher, walang libro, walng school supplies. Walang kwentang sistema, tapos mga batang gusto lang naman makapag-aral at makatapos ang nagsa-suffer. Sobrang naiintindihan ko ang mga batang ito, dahil ako mismo ay produkto ng public school. Minsan na din ako nakihati ng libro sa dalawa pang kaklase dahil kulang ang books namin noon.

Kaya naman noong humingi si Kuya Kel ng tulong para sa mga kawawang estudents sa Bataan, hindi ako nagdalawang isip na tumulong. Naisip ko din na ito ang perfect time para ibalik ang natatanggap ko na blessings, kahit na maraming problema ang dumadating sa life ko.

Bumuli ako ng school supplies, alam ko medyo konti lang ang maibibigay ko pero may batang mapapasaya nito. Noong naikahon ko na nga ang sarap sarap sa pakiramdam. Alam ko kasi may bata ang makakapasok sa school dahil sa supplies na ipapadala ko. Yearly ko na itong gagawin. =)

notebooks, pencil and pads.
may student ang mapapasaya nito pagdating ng Bataan



Ikaw nakatulong ka na? Tara, help tayo sa mga batang ito.

Astig.




=)

No comments:

Post a Comment

let's volt in!