Pagdating ng high school nanghihiram pa din ako ng gitara sa kapitbahay para makipag-akustikan sa Eheads. Kaya lang masungit yung nanay ng friend ko, madamot pa. Kaya naman pahirapan pa para lang makapag-kuleleng ako ng gitara.
Kaya sa unang sweldo ko bilang Makati girl, bumili ako ng gitara! Ang aking Kuleleng!
isn't she beautiful? |
Gabi-gabing jamming hanggang magkaroon na ng kalyo yung dulong daliri ko. Naging gitara ng pamilya din ang aking Kuleleng. Ginagamit pa nga din ito ng cousin ko noong nagtugtog siya sa bar. Naging gitara din ng simbahan dahil ito ang gamit tuwing misa.
Ang busy niya noh?
Pero naging busy din ako at hindi ko na natatapik si Kuleleng. Naluma na din ang kwerdas niya at may naputol pa. Eh hindi ako marunong magpalit ng kwerdas, kaya inilagay ko na lang siya sa sulok. Pinagpahinga.
Last month hinanap ng pinsan ko si Kuleleng. Sabi ko sa kanya palitan namin ng kwerdas, matagal na kasing hindi nagamit.
Pinalitan namin siya ng kwerdas. Natakot ako, baka panget na ang tunog bilang matagal na naimbak si Kuleleng. But I was wrong. Kung gaano ka-acoustic ang tunog niya noong bago siya, ganoon pa din ngayon.
Galing.
Naisip ko, parang tao din pala ang gitara. Minsan sa life people will look down on you. People will be unfair and mean. Ise-set aside ka nila dahil may nakita silang isang mali. So when this happens, tulad ni Kuleleng, dapat matibay ka lang. Huwag kang magpapadala sa sinasabi ng iba lalo kung alam mo sa sarili na magaling ka at ito ang bagay na nasa puso mo. Walang makakapigil sa iyo para lalong gumaling, kahit sabihin nilang sira ka na. Tuloy lang, jamming lang.
Rock en roll lang. Astig.
No comments:
Post a Comment
let's volt in!