Ayan na, dadating na sila! |
Nostalgic film! Bumi-vintage ang look and visuals kaya interesting panoorin. May maayos na background din sa mga characters pero feeling ko masyadong pilit yung isiningit na love story ng tweens na sina Joe and Alice. Parang Romeo-Juliet in an alien invaded town ang drama. Sakto din ang pasok ng humor, action-adventure moments.
Alam mo, noong bata ako, gusto kong maging isang Steven Spielberg. Peyborit na peyborit ko kasi yung Jurassic Park dati. Ngayong matanda na ako...wala lang. Hehe!
Balik sa Super 8. My biggest question of the day was the meaning of the title. Anong Super 8? Anong 8? At bakit Super? O eh tanga lang ako, buti naman at nag-iisip si DS. Sabi niya, yung Super 8 eh dating tawag sa 8mm film na ginamit ng mga bata sa movie. Yun pala yun!
At dahil nostalgic film nga ito, may part na akala ko War of the Worlds na yung pinapanood ko. Tapos maya-maya akala ko naman Cloverfield na yung movie. At pagdating ng ending, akala ko alien galing District 9 yung mga umalis sa planet Earth.
Over-all review. Watch this movie kung may pambayad ka ng sine. Kung wala, maghintay ka ng mada-download.
Astig.
=)
jusme! buti na lang at di ko kayo kasama ni don 'yun! kundi pareho ko kayong binatukan ng super 8! haha
ReplyDeletewe're just kids. hindi namin naabutan ang super 8! =P
ReplyDelete