Busy-busyhan at lock-in mode ako ngayong linggo. May assignment kasi ako na kailangang tapusin at kailangan maganda itong magawa ko. Kung hindi, dawn of the deads ang drama ko.
Ito yung linggo na hindi ako makalabas ng bahay, lumulutang ang isip, paggising harap sa laptop, kape at yosi ang best friends, hindi mo ako makakausap ng maayos at hindi ako makapaligo.
Pakiramdam ko para akong palitaw na inilubog sa kumukulong tubig. Kapag lumutang, luto na.
Astig.
=)
No comments:
Post a Comment
let's volt in!