Monday, July 18, 2011

Hail the Potterheads!

I first met Harry Potter sa bookstore. Interesting ang story kaya bumili ako ng copy. A week later napanood ko sa Oprah (book club segment), she recommend the book dahil best seller na ito sa Europe.

Bumalik ako sa bookstore to buy  HP's second and third book, potah nagulat ako kasi nagmahal na agad ng 150pesos, nagkaroon lang ng Oprah book club logo!

And the rest is history of me as a Potterhead. Hahaha!

Dati gusto ko maging Hermione pero nang dumating si Luna Lovegod... Ako na si Luna Lovegod! Hippie lang. 

Yun lang. Ayoko magbigay ng review sa movie maiiyak lang ako.

Thursday, July 14, 2011

Hell's Kitchen --- Finale

Trev and Jillian were eliminated kaya't magsusunugan sina Nona at Russel sa finals. Naiiyak ako nang maalis si Jillian dahil bet ko siya, hehehe. Pero happy ang pag-exit ni Jillian dahil hindi pinaalis ni Chef Gordon ang black jacket niya, isa daw si Jillian sa mga strong contestants kaya deserving ito na umalis ng Hell's Kitchen na suot ang black jacket. Astig.

Kung experience lang naman, si Russel na ang panalo. Isa pa underdog si Nona mula pa 1st episode, ang dami na din niyang maling ginawa.

Ang huling challenge, sina Nona at Russel ang magiging head chef ng kitchen. At ang mga dating contestants ang magiging chefs nila.

At dito na nakita kung sino ang dapat na manalo...Do or die moment na ito for Nona and Russel.

Final two!

Naniniwala ako na may kanya-kanyang diskarte para mapasunod ang subordinates mo. Si Chef Gordon, malupit, galit, perfectionist! Pero marunong siyang magbigay ng 'push' kapag nakitaan ka niya ng talent.

Sa kitchen ni Russel, maayos ang leadership niya pero MAYABANG. Paano niya mapapasunod ng maayos ang mga chefs kung yayabangan niya? Kung palagi niyang ipapamukha sa mga chef na he runs the show? Ego trip.

Sa kitchen ni Nona, magulo dahil puro raw lamb ang niluluto ni Chef Boris. Lumapit si Nona kay Boris, kinausap niya ng maayos, hinawakan pa niya sa balikat. Pinakalma niya at sinabi niyang kaya nila ang challenge. After nun, umayos ang flow sa kitchen. At dahil doon, Nona gains respect from all the chefs. Hindi niya kailangang magmura, hindi niya kailangang magalit para mapasunod ang lahat. Walang ego tripping instead she fired the team's confidence na kaya nilang magluto.


Based sa customer comment card and Chef Gordon's decision, Nona wins Hell's Kitchen!

Disappointed si Russel eh kasi feel na feel na niyang siya ang winner. Epal pa, he blame his chefs kung bakit siya natalo. Sa final camera-vo, sinabi ni Russel iba-blacklist niya ang mga ito.

Chef Gordon, made the right decision. Congrats Nona! =)

Tuesday, July 12, 2011

Tsst! Tsst!

Sana palabas na ang Dog Whisperer noong buhay pa ang Labrador mix dog ko na si Frodo. Mas napalaki ko siguro siya ng mas mabait at masunurin, hindi spoiled at makulit.

Bakit ngayon ka lang dumating Ceasar Milan?!

He talks. Dog listens. Ceasar Milan of Dog Whisperer

Dog Whisperer is a NatGeo program wherein Ceasar help dog owners sa mga problema nila sa kanilang doggy. May asong spoiled, aggressive, asong kumakain ng bato, asong ayaw maglakad, ayaw magpakamot eh napapabait ni Ceasar. Astig.

According to Ceasar Milan's rule book. Ang dog owner ang dapat magpakita na sila ang leader ng pack, bilang nature ng mga aso ang sumunod or magpasunod ng pack. Iba daw ang psychology ng aso sa tao, kaya dapat we treat the dogs as dogs, hindi tao.

Best example kapag iwo-walk mo ang iyong doggy, dapat ikaw ang mauuna at hindi ang aso. Kapag nauna ang aso, iisipin niya na ikaw ang sumusunod sa kanya. Kaya nagkakaroon siya ng dominance. O di ba?!

Important sa mga aso ang exercise/walk, tapos saka mo siya tuturuan ng disiplina at saka lang ang affection. Ako dati kay Frodo, puro affection yata kaya lumaki siyang spoiled. Hahaha!

Tsst! Ito ang sound na ginagamit ni Ceasar Milan kapag susuwayin yung mga epal na aso. At super effective siya promise! Try ko kaya ito sa tao?

Tsst! Tsst!

Monday, July 11, 2011

turn on the campy temptation


Temptation Island 2011 remains faithful to its original 1980 film. I love Direk Chris Martinez and I know, mahirap gumawa ng remake lalo na kapag kasing epic ng Temptation Island. Buhay na buhay sa TI 2011 ang mga characters at siyempre ang mga dialogues na sikat from the original release.Campyness to the highest level of society ni Joshua.

Pero the original is sexier. Far, far away sexier than the remake. Mas masasarap lang ang mga lalaki sa remake pero I think mas epic ang mga girls ng original. More skin, more epic! Hahaha!

After ng movie, napuno na ang mga tanong...

Bakit may agawan ng moment/eksena? There are scene that's supposedly/should be for Heart's role (Heart played Virginia P, originally played by Dina Bonnevie). Okay lang sana kung maliliit na eksena ang napunta kay Marian but no, character highlight dapat ni Virnigia P iyon. Now I know, kung saan nanggaling ang away ng dalawa.

Bakit butot's balat si Heart sa movie? Yung shoulders niya may kanto, akala ko robot siya ni Shaider. May mga shots tuloy na ang haba ng baba niya,  akala ko kasama sa cast si AiAi delas Alas.

Bakit masakit sa tenga ang boses ni Marian? Oo sige, nakakatuwa siya, pero bakit boses pekpek siya sa movie? Ganun din ba siya sa totoong buhay? Kawawa naman si Dingdong parang, araw-araw may kasamang maingay na pekpek.

At bakit ang galing ni Lovi Poe? Ay grabe, she nailed it. I love all her bratty, maldita moves. Pero nakulangan ako sa landi at libog.

Inferness kay Solenn, may akting. Kahit ako ang nahihirapan sa pagpilipit ng dila niya para mag-Tagalog.

At bakit hindi marunong umarte ang mga lalaki sa Temptation Island remake?!  Oo na,  ang gwapo nila pero bakit hindi sila makaarte ng maayos?!!! Huhuhu! Nakakaiyak naman, lalo na si Aljur! Sayang ang abs, walang acting!

At utang na loob, bakit nila pinag-dialogue si Aljur ng english?! Bakeeetttt?!

Kalma, kalma. Whew. Overall, the movie it's a fun, modernize remake. Epic.

Astig.

Sunday, July 10, 2011

The Fifth Mountain

I'm a huge Paulo Coelho fan. His insights, life-lessons beautifully woven in each stories inspires people. And somehow, Coelho's story is so powerful that it can change one's life. Kapag may nakakita nga ng Coelho book sa bag ko and asks, 'anong book yan?' I answer, 'pamba-bait na libro'.

The Fifth Mountain is the story of prophet Elijah and his journey sa ngalan ni Lord. Ang hirap ng pinagdaanan ni Elijah. Hindi lang basta hirap, nagdadasal na nga siya na kunin na ni Lord para matapos na ang paghihirap niya. Muntik na siyang mamatay, may time na malapit nang mawala ang faith niya, may moment na isang kembot na lang, susuko na siya. And then the 'kembot' happens, tao lang si Elijah, abadtrip siya kay God, nagreklamo siya, todo na kasi ang sakit. Pero dahil mabait si Elijah, humingi siya ng tawad and he understands God's way. Ang ending, Elijah triumphed a soul-shattering trial of faith. 

The book holds so many inspiring quotes. Ito yung mga favs ko.

" If you have a past that dissatifies you, forget it now. Imagine a new story of your life, and believe in it. Concentrate only on those moments in which you achieved what you desired, and this strength will help you to accomplish what you want."

"A child can always teach an adult three things: to be happy for no reason, to always be busy with something, and to know how to demand will all his might that which he desires."

"We must choose, rather than accept our fate."

****

Tinanong ko si DS kung naniniwala ba siya sa guardian angels? He said yes, kinakausap pa nga daw niya dati.

Naisip ko, grade pa yata nung huling nagdasala ako ng 'Angel of God, my guardian dear'. Napaisip ulit ako, bakit nga ba hindi ako nagdadasal sa aking guardian angel? Bakit ba nade-deadma ko na sila? Siguro kasi, akala ko hindi sila totoo?

Sa The Fifth Mountain, may angel na pinapadala si God para makausap si Elijah. At ang angel na ito din ang madalas na tumutulong kay Elijah when he needs help. Nakakatuwa naman noong unang panahon, active ang mga angels na magpakita.

I should be thankful sa guardian angel ko. Ang bait-bait niya, kahit hindi ko siya napapansin, hindi niya ako pinapabayaan.

After reading TFM, I said to myself na I will talk to my guardian angel more. Lalo na kapag may moment na feeling alone ako at walang makausap...

Saturday, July 9, 2011

Hell's Kitchen---It's raw!!!

Kapag nakita ko in person si Chef Gordon Ramsey, malamang mahihimatay ako sa takot. Hindi ako nanonood ng Hell's Kitchen dati paano nai-stress out ako kay Chef Gordon. Sigaw dito, pagalit doon, bato ng plato dito, hampas ng kaldero doon! Lagi siyang badtrip sa buhay, ang sungit-sungit. Siguro malungkot ang sex life niya. =P

Pero may sense of humor naman si Chef Gordon, may isang show nga siya na gusto ko.  Ang hirap lang ng trabaho niya sa HK kasi kailangan lagi siyang galit at frustrated. Every week nega dapat? Kung yung ibang tao nga, nagda-drugs para sumaya, si Chef Gordon naghahanap ng galit? Adik din.

At infer kay Chef Gordon, kahit puro fucking raw ang maririnig mo sa bibig niya, reasonable ang reason/decision niya lagi kapag nagpapauwi siya ng contestant.

Tumutok lang ako this season dahil magagaling ang group ng girls. Isa pa, may Filipina na kasali sa contest at nakakatuwa kapag nagluluto siya ng Asian cuisine.

Si Gail ang Pinay. Favorite ko din si Sabrina, kahit sobrang bitch niya, pagdating naman sa dinner service maayos siya magtrabaho. Lakas pa niya mang-asar kay Trev (na kinaiinisan ko). Bet ko din si Jillian.

Hell's Kitchen Top 5
Down to Top 5 na ang Hell's Kitchen contestant.At dalawang bet ko na ang natatanggal! Inumpisahan ni Sabrina. Tapos kanina si Gail! Nawala na tuloy ang Pinay Power! Tsk!

At puro pang-asar pa ang natirang contestants. Nakakatamad na tuloy manood.

Waley astig.

Friday, July 8, 2011

so far, so damn good!

I started Project Wanderlust this year. Life is good but short kaya gala galore hangga't buhay pa!  Ang laki ng mundo, let's explore. At ang saya ng life, let's experience it! July na ngayon at proud ako to say na wala pa akong absent sa aking paglaboy. Ahihihi! Ang saya! Isa pang happiness ay dahil budget friendly lahat ng mga gala namin.

Pero wala nang mas sasaya sa mga taong nakilala namin sa daan, sa kalsada, sa terminal, sa resort, sa isla at kung saan-saan pa. Nagkaroon kami ng mga bagong kakilala at naging kaibigan, ka-facebook at kakulitan.

My project wanderlust is not only for destinations I go to. It's a life journey. And my thanks giving kay Bro para sa paraisong Earth na pinahiram niya sa atin.

Yehey!

JANUARY
Pandin Lake San Pablo, Laguna

FEBRUARY
Mt. Pinatubo. Zambales

MARCH
Las Casas de Acuzar, Bataan
La Playa de Caleta, Bataan

APRIL
Borowan Island, Quezon

MAY
Potipot Island, Zambales


 JUNE
Manila Ocean Park


Astig.
=)

Tuesday, July 5, 2011

Glee-liously sexy!

But hey, this changes how I see their Glee chars!
*******
The story. Last night DS was web browsing when he showed me these...


Gleeks gone wild!
 Shocking! DS told me this was taken for GQ magazine. Ahh, ok. 

But it's not owkey! Lea Michelle is showing her singit! Singit yan! Konti na lang pepe na! Tapos she's playing an innocent high school student sa Glee. Nakakawindang.

Lea Michelle. Ineng, kita ang panty mo!
At baligtad yata ang characters nila. Dianna Agron who plays Glee-HS-bitchyslut eh ang balot na balot.

Parang walang difference sa cheering uniform niya.


Infer naman sa age nila, keri na silang magpo-posing ng kita ang singit at kuyukot.

Astig.

=)

Friday, July 1, 2011

better days



I scream REDEMPTION for Transformers third installment! Buti na lang better than Transformers 2 ang Dark of the Moon. Though the story is kinda pambata at may part na mapapatanong ka ng 'Ha? Anu yun?' Pero I love all the action scenes! Yung mga da moves ni Bumblebee kapag nakikipaglaban, ay ang galing. Parang bigla siyang nagbinata. First time ko din na nakitang pissed off at todo badtrip si Optimus Prime.

Napanood ko din ang behind the scene: the making ng T3. Grabe umaastig! Lalo na ng malaman ko na totoo na nag skydive sina Josh Duhamel. Hindi pala yun CGI.

Gusto ko din ang emotional baggage ni Sam sa early part ng movie. Ang hirap nga naman nun, inaward-award ka ng President ng USA pero wala kang makuhang matinong trabaho. Tsk.

Sa trailer, hindi ko masyadong type si Rosie (Carly). Sabi ko pa, bakit ganun yung ilong at nguso niya, hindi pantay? Pero napapamura na lang ako (pati yung mga lalaking katabi ko) dahil ang GANDA niya pala! Shet! Ang SEXY ni Rosie! Shet! She's more poised, more elegant looking. Kahit pa humahambalos na siya at parang ginagawang yoyo ng mga robots, ang ganda pa din niya. And I think, may mas 'effort' siyang umakting compare kay Megan Fox.

Hotta babe din naman si Megan Fox at nalungkot din naman ako sa pagkawala niya sa Transformers. Kaya lang dahil sa uma-attitude siya sa set at nagfi-feeling maganda,, nakaka-turn off. Hindi ako fan ng mga babaeng maganda nga eh bitchy naman. Para saan ang pretty face at sexiness kung ang sama ng ugali mo? Epal pa, si Steven Spielberg pa ang kinalaban niya. Sorry, Megan. Ayoko na sa'yo.

Astig kayo Autobots!

=)