Sunday, July 10, 2011

The Fifth Mountain

I'm a huge Paulo Coelho fan. His insights, life-lessons beautifully woven in each stories inspires people. And somehow, Coelho's story is so powerful that it can change one's life. Kapag may nakakita nga ng Coelho book sa bag ko and asks, 'anong book yan?' I answer, 'pamba-bait na libro'.

The Fifth Mountain is the story of prophet Elijah and his journey sa ngalan ni Lord. Ang hirap ng pinagdaanan ni Elijah. Hindi lang basta hirap, nagdadasal na nga siya na kunin na ni Lord para matapos na ang paghihirap niya. Muntik na siyang mamatay, may time na malapit nang mawala ang faith niya, may moment na isang kembot na lang, susuko na siya. And then the 'kembot' happens, tao lang si Elijah, abadtrip siya kay God, nagreklamo siya, todo na kasi ang sakit. Pero dahil mabait si Elijah, humingi siya ng tawad and he understands God's way. Ang ending, Elijah triumphed a soul-shattering trial of faith. 

The book holds so many inspiring quotes. Ito yung mga favs ko.

" If you have a past that dissatifies you, forget it now. Imagine a new story of your life, and believe in it. Concentrate only on those moments in which you achieved what you desired, and this strength will help you to accomplish what you want."

"A child can always teach an adult three things: to be happy for no reason, to always be busy with something, and to know how to demand will all his might that which he desires."

"We must choose, rather than accept our fate."

****

Tinanong ko si DS kung naniniwala ba siya sa guardian angels? He said yes, kinakausap pa nga daw niya dati.

Naisip ko, grade pa yata nung huling nagdasala ako ng 'Angel of God, my guardian dear'. Napaisip ulit ako, bakit nga ba hindi ako nagdadasal sa aking guardian angel? Bakit ba nade-deadma ko na sila? Siguro kasi, akala ko hindi sila totoo?

Sa The Fifth Mountain, may angel na pinapadala si God para makausap si Elijah. At ang angel na ito din ang madalas na tumutulong kay Elijah when he needs help. Nakakatuwa naman noong unang panahon, active ang mga angels na magpakita.

I should be thankful sa guardian angel ko. Ang bait-bait niya, kahit hindi ko siya napapansin, hindi niya ako pinapabayaan.

After reading TFM, I said to myself na I will talk to my guardian angel more. Lalo na kapag may moment na feeling alone ako at walang makausap...

No comments:

Post a Comment

let's volt in!