Tuesday, July 12, 2011

Tsst! Tsst!

Sana palabas na ang Dog Whisperer noong buhay pa ang Labrador mix dog ko na si Frodo. Mas napalaki ko siguro siya ng mas mabait at masunurin, hindi spoiled at makulit.

Bakit ngayon ka lang dumating Ceasar Milan?!

He talks. Dog listens. Ceasar Milan of Dog Whisperer

Dog Whisperer is a NatGeo program wherein Ceasar help dog owners sa mga problema nila sa kanilang doggy. May asong spoiled, aggressive, asong kumakain ng bato, asong ayaw maglakad, ayaw magpakamot eh napapabait ni Ceasar. Astig.

According to Ceasar Milan's rule book. Ang dog owner ang dapat magpakita na sila ang leader ng pack, bilang nature ng mga aso ang sumunod or magpasunod ng pack. Iba daw ang psychology ng aso sa tao, kaya dapat we treat the dogs as dogs, hindi tao.

Best example kapag iwo-walk mo ang iyong doggy, dapat ikaw ang mauuna at hindi ang aso. Kapag nauna ang aso, iisipin niya na ikaw ang sumusunod sa kanya. Kaya nagkakaroon siya ng dominance. O di ba?!

Important sa mga aso ang exercise/walk, tapos saka mo siya tuturuan ng disiplina at saka lang ang affection. Ako dati kay Frodo, puro affection yata kaya lumaki siyang spoiled. Hahaha!

Tsst! Ito ang sound na ginagamit ni Ceasar Milan kapag susuwayin yung mga epal na aso. At super effective siya promise! Try ko kaya ito sa tao?

Tsst! Tsst!

No comments:

Post a Comment

let's volt in!