Unang tapak ko sa Borowan, sabi ko 'ay hindi naman pala maganda, ang panget ng sand. Akala ko Boracay-Palawan ang feel' I've been to Panglao and Bora pero sobrang kulelat Borowan. Expected ko na hindi ako mag-eenjoy. Pero I realized na ako naman ang magde-decide kung gusto kong mag-enjoy at maging masaya sa weekend na ito o hindi. Isa pa, kaya nga ako lumaboy para takasan ang problema at lungkot sa city. Ano mukmok moment?
Social night, I joined the group sa kwentuhan. Note mga dude, puro total strangers ang kasama ko. (Third wheeler kasi ako sa lakad na ito kaya binibigyan ko ng time yung lovebirds). Mga taong ngayon ko lang nakita pero nakinig pa din ako sa kanilang mga kwento, istorya at patawa.
Dito ko nakilala si Kuya Raffy, siya ang owner ng van na sinakyan namin. Hindi ko alam kung anong age niya pero ang alam ko kaka-annulled lang ng kasal niya two years ago. Limang taon silang bf-gf status, they exchanged bows at naging husband-wife sila for another 5 years.
Hindi sila nagkaroon ng anak, wife ni Kuya Raffy ang may mali. Due to frustrations, nagfocus ang wife niya sa trabaho at career. Nagsimula ang away, mas marami pang pagtatalo. At ito ang pinag-ugatan ng pagtatapos ng kanilang 'for better or for worse.'
Kuya Raffy rejected what happened. Sabi niya, he realized na nadala lang siya ng pride at yabang dahil wife niya ang naunang nag-file ng annulment. Naubos ang pera ni Kuya Raffy dahil sa process ng paghihiawlay. Nagbiro pa siya na kasing presyo daw ito ng magarbo nilang kasal.
After ng annulment, nasaan na sila ngayon? Kanya-kanya na silang buhay. Walang suot na wedding ring na nagpapaalala anytime na may kakabit ang buhay mo na isa pang tao. Walang wedding ring na nagpapaalala na may nagmamahal sa iyo at may mahal ka na naghihintay sa iyo sa bahay.
Ang dami kong natutunan sa experience ni Kuya Raffy. Natutunan ko na ang isang relationship araw-araw dapat alagaan at dapat paglaanan ng malaking effort.
HOPE (hindi yung yosi). Sabi ni Kuya Raffy, ito daw ang hindi nila pinaniwalaang mag-asawa during the process ng annulment. May pag-asa pa na sampung taon nilang pagsasama kahit nawala na ang love. Kung ibinababa ni Kuya Raffy ang pride niya at kung may malawak na understanding at patience ang wife niya, siguro dalawa silang nakilala ko sa Borowan.
Sa haba ng kwentuhan at saya ng usapan nung gabi, hindi ko namalayan na tumitira na pala ako ng emperador at redhorse.
Astig.
=)
No comments:
Post a Comment
let's volt in!