Saturday, April 30, 2011

April Wanderlust: the little island of Borawan II

Unang tapak ko sa Borowan, sabi ko 'ay hindi naman pala maganda, ang panget ng sand. Akala ko Boracay-Palawan ang feel' I've been to Panglao and Bora pero sobrang kulelat Borowan. Expected ko na hindi ako mag-eenjoy. Pero I realized na ako naman ang magde-decide kung gusto kong mag-enjoy at maging masaya sa weekend na ito o hindi. Isa pa, kaya nga ako lumaboy para takasan ang problema at lungkot sa city. Ano mukmok moment?

Social night, I joined the group sa kwentuhan. Note mga dude, puro total strangers ang kasama ko. (Third wheeler kasi ako sa lakad na ito kaya binibigyan ko ng time yung lovebirds). Mga taong ngayon ko lang nakita pero nakinig pa din ako sa kanilang mga kwento, istorya at patawa.

Dito ko nakilala si Kuya Raffy, siya ang owner ng van na sinakyan namin. Hindi ko alam kung anong age niya pero ang alam ko kaka-annulled lang ng kasal niya two years ago. Limang taon silang bf-gf status, they exchanged bows at naging husband-wife sila for another 5 years.

Hindi sila nagkaroon ng anak, wife ni Kuya Raffy ang may mali. Due to frustrations, nagfocus ang wife niya sa trabaho at career. Nagsimula ang away, mas marami pang pagtatalo. At ito ang pinag-ugatan ng pagtatapos  ng kanilang 'for better or for worse.'

Kuya Raffy rejected what happened. Sabi niya, he realized na nadala lang siya ng pride at yabang dahil wife niya ang naunang nag-file ng annulment. Naubos ang pera ni Kuya Raffy dahil sa process ng paghihiawlay. Nagbiro pa siya na kasing presyo daw ito ng magarbo nilang kasal.

After ng annulment, nasaan na sila ngayon? Kanya-kanya na silang buhay. Walang suot na wedding ring na nagpapaalala anytime na may kakabit ang buhay mo na isa pang tao. Walang wedding ring na nagpapaalala na may nagmamahal sa iyo at may mahal ka na naghihintay sa iyo sa bahay.

Ang dami kong natutunan sa experience ni Kuya Raffy. Natutunan ko na ang isang relationship araw-araw dapat alagaan at dapat paglaanan ng malaking effort.

HOPE (hindi yung yosi). Sabi ni Kuya Raffy, ito daw ang hindi nila pinaniwalaang mag-asawa during the process ng annulment. May pag-asa pa na sampung taon nilang pagsasama kahit nawala na ang love. Kung ibinababa ni Kuya Raffy ang pride niya at kung may malawak na understanding at patience ang wife niya, siguro dalawa silang nakilala ko sa Borowan.

Sa haba ng kwentuhan at saya ng usapan nung gabi, hindi ko namalayan na tumitira na pala ako ng emperador at redhorse.

Astig.




=)

Friday, April 29, 2011

dos islas: Borawan and Puting Buhangin

Project Wanderlust for April check.
First time ko maka-beach sa Quezon Province.
First time ko lumaboy nang hindi kasama si DS.
First time naging 3rd wheeler ako sa galaan.
First time.

Second time ko naman na sumama sa group tour. Ang masaya sa group tour, mas makakamura ka, may transpo na at wala kang problema sa food dahil lahat ito kasama na sa bayad. Ang problema lang sa group tour eh kapag hindi mo feel ang mga makakasama mo. Kaya kapag nasa ganitong trip, kailangan mo ng super friendly smile at deadma power para sa mga hindi friendly.

*****
Napanood ko sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang tungkol sa Borawan. Kaya ito, kumati ang paa ko at dinala ako sa Quezon Province.

Maganda naman sa Borowan, nagkataon lang siguro na maraming basura noong dumating kami. Hindi din fine ang sand at sobrang daming jellyfish. Mahirap din ang tubig na pampaligo at pila ang tao sa cr. Kaya sa tabi-tabi na lang kami jumijingle. Hahaha!

****
May spelunking tour pa sa iterinary pero dahil haggard na kami sa init, gutom at pagod pass na lang muna. Kaya diretso na kami sa Puting Buhangin Island.

Dito ako nag-enjoy magbabad hanggang kumulubot ang palad at talampakan ko.

Astig.

Puting Buhangin
view from Kwebang Lampas

Borawan Island


April travel buddies

Saturday, April 16, 2011

may little angel na dadating

Halos lalaki ang mga friends ko. Kaya nung high school, galit na galit sa akin ang nanay ko kasi akala niya malandi ako. Pag-graduate ko ng college, nagduda naman siya. Iniisip niya, tibo ata yung anak niya. Hahaha!

Mas nakakasundo ko kasi yung mga lalaki (at mga beki) dahil sa mga maraming factor. Una na, kapag babae kasi kasama mo, maraming arte, maraming drama, maraming tsismis. Totoo yan, kasi babae din ako. Pero may girlfriends din naman ako. Kaya super treasured sila kasi konti lang sila sa life ko.

Meet may super girlfriends.

eymi and jenn. girls i love

Mga girlfriends kong kasing ganda ko. Choz. Hahaha!

Preggy na si Eymi, kaya naman excited kami sa bagong angel na dadating. Nagcelebrate kami ng baby shower niya, para makaipon ng gift. Hahaha!

Halong saya and lungkot ang naramdaman ko. Masaya dahil may baby na kaming paglalaruan at aalagaan. Malungkot dahil iba ang priority ni Eymi, kulang ang girls sa gimik weekend namin.

Astig.




=)