Saturday, January 8, 2011

takbo hangga't may lupa!

'Takbo hangga't may lupa!' Ito yung favorite kong sinisigaw kapag nagtatakbuhan kami noong elementary. Iniisip ko kasi dati may humahabol sa aming tremors, kaya hindi ako masyadong nagiging taya sa mataya-taya.

Eh eto na nga yung kwento ko talaga, to start the year right (weh?!) sumali ako (with DS and KL) sa FunRun event sa Alabang. Isang buwis-buhay na pagtakbo, promise! Tingnan nyo naman yung pic ko, konti na lang itatakbo na ko sa ospital. Hahaha!

Eh bakit sumali ako sa fun run? Una for experience. First time ko maki-join sa ganitong event, kaya naman naeexcite ako kanina na makita yung mga taong tatakbo. 

Pangalawa, gusto kong pumayat. As if namang papayat ako sa isang takbo lang di ba? Sana next week makatakbo ako ulit para naman pumayat na ako.

At pangatlo, para magamit ang running shoes na last year ko pa binili. First time ko din magagamit ang rubber shoes ha! Eh kasi binili ko siya last year para mapilitan akong tumakbo, hindi naman pala effective yung ganoong paniniwala. Hahaha. Sabi nga ng nanay ko paglabas ko ng kuwarto, "Magfa-fun run ka lang, may new shoes ka pa!"  Sumagot ako, 'excuse me mother, semi-new lang ito, wag echosera.'

Happy ending naman sa finish line kahit pa nagmamaktol na ang hita ko. Kung nakakapagsalita lang ang mga binti ko, kanina pa ako minura. Hahaha!

Sana masundan itong pagtakbo kong ito...

No comments:

Post a Comment

let's volt in!