Noong unang panahon, may mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak. Kung kaya't nagdasal kay Bathala ang mag-asawa upang bigyan sila ng anak. Nagpakita si Bathala sa kanila at dininig ang kanilang dasal. Binigyan ang mag-asawa ng nakapagandang anak na babae, pinangalanan nila itong PANDIN. Masaya na sana ang lahat pero dahil alamat ito, siyempre dapat may kokontra. Sinabi sa kanila ni Bathala na hindi pwedeng tumapak sa lupa si Pandin kailanman.
Naging dalaga si Pandin na hindi tumatapak sa lupa. Nasa bahay lang siya at malamang laging nasa papag. Kung ganoon, paano siya na-poo poo?
Back to story. Nagkaroon ng manliligaw si Pandin, isang guwapong binata na si YAMBO. Minsan, niyaya ni Yambo si Pandin na maggala sa labas ng bahay. Tumanggi si Pandin dahil alam niyang hindi siya pwedeng tumapak sa lupa. Mapilit si Yambo kaya't kinuha niya ang sinulid na ginagamit ni Pandin pananahi at tinapon ito palabas ng bahay.
Nagalit si Pandin, kaya't tumakbo siya palabas ng bahay para kunin ang kanyang sinulid. Nakalimutan niya ang bilin na bawal siyang tumapak sa lupa! Pero huli na ang lahat, nabiyak ang lupang tinatapakan nina Pandin at Yambo at silang dalawa ay naging tubig.
At dito nagsimula ang alamat ng Lake Pandin at Yambo. Whew.
*****
Pandin Lake and Yambo Lake are twin lakes located at San Pablo Laguna. Two hours drive from Alabang makikita mo na ang San Pablo's best kept secret lake. Secret talaga kasi we need to trek, walk for 30 minutes from the highway papunta sa isang secret lake sa pagitang na mga bundok.
After trekking, ito ang bubulaga sa iyo. Napamura nga ako, ang ganda kasi ng lugar! Ang sarap ng simoy ng hangin, ang sarap maglaro sa tubig at ang sarap magpicture-picture. Yeaaahhhh!
Igagala ka din sa kabuuan ng lake, sakay ng ng raft. At ang nakukutuwang part, mga girls ng Pandin ang sumasagwan. According kay Ate, dati daw mga lalaki ang nagsasagwan, pero may mga bisitang naliligo sa lake na naka-bra lang, ginawa nilang babae ang nagbabantay.
Kasama sa tour package ang food/lunch namin Inihaw na tilapia, fresh from the lake, pati ginataang hipon, may kasama din na fern salad na 1st time ko matikman. Rapsa! At alam na ninyo na ang mga lalake ng Pandin ang nagluluto ng pananghalian?
After lunch umakyat naman kami ng gilid ng bundok makita ang Lake Yambo.10 minutes lang naman, kering-keri.
The experience...
Tahimik sa buong Lake kahit na may maliit na community surrounding the area. Mababait at masarap kakwentuhan ang mga girls, palabiro ang mga Manong, very accomodating. Sabi ni Ate Sion, (contact person), gusto nilang babalikan sila ng mga bisita.
We throw 500 per head para sa gala. Ang mura! Kasama na ang food, tour guide at relaxing tour.
PW: January. Check!