Ewan ko ba kung anong meron ang turon at adik na adik ako sa kanya. Hindi ko lang ma-explain yung sarap ng crunchy lumpia wrapper. Yung tamis at bitterness ng asukal na sunog. At ang init at tamis ng saging na saba pagkagat mo. Nakakapaglaway.
Kaya isang gabi, para akong buntis na nag-crave ng turon. Walang mabilhan, ayan nagluto ako.
Secret lang natin ha, naubos ko lahat nyang nasa picture!
Turon. Masarap, matamis, mainit. Yum. |
Para sa mga hindi marunong magluto ng turon (daig pa kayo ng pinsan kong grade one!) ito lang ang ingredients na kailangan nyo.
lumpia wrapper.
saging na saba (sliced according sa trip ninyong size).
asukal na pula.
cinnamon powder (optional, kung gusto mo lang umarte.
vegetable oil for fying
Let's make luto na.
Una, i-roll ang saging na saba sa asukal. Kung gagamit ka ng cinnamon, sprinkle a dash sa ibabaw ng saba. Tapos ibalot sa lumpia wrapper. Bahala ka na sa buhay mo kung anong shape ang trip mo sa pagbabalot. Iprito ang wrap saba, make sure mainit na ang oil. Magdagdag ng asukal sa mainit na mantika para dagdag crunch at tamis sa turon. Hanguin, palamigin and enjoy your yummy turon.
Yun lang.