Heypi Halloween!
When I was younger, our traditional Undas celebration ay sa Laguna. Uuwi kami doon, magluluto ng Sinukmani (Biko), magpuputol at magtutusok ng bulaklak sa paso at ire-ready ang naghahabaang kandila. After lunch, pupunta na ang lahat sa Panchong (sementeryo). Madalas mini reunion ang nangyayari sa family dahil ito yung time na holiday mode ang lahat ng may pasok.
Ngayon, sobrang bago na. Night before Undas, our family would celebrate Halloween Party. May theme but not necessarily nakakatakot. May isang Halloween Party nga kami dati, Pajama party ang theme tapos ang happening DVD marathon ng horror movies.
Before, kids are required to help our Lelangs and Tiyas sa lahat ng preparations. Ngayon, my younger cousins eh nagtsi-tsikahan lang o kaya nagpapa-cute. Wish ko, dalawin sila ng mga kamag-anak naming tegi na. Hahaha! Pasaway.
Ang daming pagbabago, may masaya at may nega. Paano man natin i-celebrate ang Undas, ang importante we give prayers sa lahat ng mga nauna na sa ating na-tegi babes.