Ang layo pala ng Candelaria, Zambales, or matagal lang talaga siguro ang biyahe dahil maraming stop-over ang bus. Pero sobrang exciting ang trip na 'to dahil wala kaming idea kung saan kami paparoon. Salamat na lang sa google map, sa pagtatanong kina manong at kuya, nakarating kami ng Candelaria.
Pagbaba namin, puno na ang Dawal Resort at fan room na lang ang available sa SunBloom. Kaya sa Isla Vista kami nakakuha ng aircon room for two. Inperynes, affordable ang rooms nila. May restaurant din sila kaya hindi kami matotomguts. May sariling banca service na din sila papuntang Potipot Island. Kaya naman, chillax na lang ang lahat.
Ang daming tao sa Potipot Islang pagdating namin (10mins banca ride lang kasi from the mainland/resort). Yung iba sa kanila, sa island na nag-overnight. May mga nipa hut kasi na pwede mong i-rent or pwede ka din mag-camp. May entrance fee na hundred pesos for day tour at 300 for overnight. May cr sa island at may water din. Maputi ang buhangin, maraming puno, masarap magbabad.
Chillaxing.
Astig.
First glimpse. Potipot Island |
Project Wanderlust: May edition |
can't get enought of you, summer. |