Saturday, March 26, 2011
sweetpunch
Astig na sana eh, pero nakatulog ako sa gitna ng movie. Tapos yung hinihintay mong 'kembot' moment ni Babydoll di man lang pina-experience sa viewers. Badtrip di ba?
Tapos may question ako. Bakit si Vanessa Hudgens kahit may muk-ap mukha pa din mabaho? Yung itsura niya sa movie, para siyang may anghit? Bakit ganun? May eksena pa na itinaas niya yung kilikili niya, ampanget. Tsk. Sayang na bata.
Pasuntok nga!
Wednesday, March 23, 2011
Welcome to Burlesque!
Campy and comedy! Glittering and glamorous! Baklang-bakla! Cliche' laden ang story pero sino ba ang hindi nasusuntok ang damdamin sa love-triangle, rags to riches, dream come true na movie?
Ang galing ni Christina Aguilera and Kristen Bell, infurla. I love the choreography, napapaindak din ako, choz! Ang galing ng sexy moves at nakakatuwa ang mga shining costumes. May costume nga ba, eh hubad ata mga characters sa movie? Hahaha!
Nakairita lang ang role ni Cher, para siyang flower na pang-display. Pero sige na nga, wala pa din siyang kupas.
Watch nyo mga dudes. =)
Monday, March 21, 2011
hind na natuto
Maniwala kayo sa akin, huwag na huwag ninyong pagti-tripan ang buhok kapag badtrip ka sa buhay.
Kapag badtrip ka kasi or malungkot, magulo ang takbo ng utak mo kaya pakiramdam mo magulo din ang takbo ng buhay mo. Magulo ang kuwarto mo, magulo ang gamit mo at kapag tumingin ka sa salamin pati mukha mo magulo. Lalo na yung buhok, akala mo sinubutan ka ng pitong adik.
Kaya kapag ganito ang sitwasyon, huwag na huwag kang hahawak ng gunting! Please huwag kang hahawak ng gunting para gupitin ang sarili mong buhok!
Ito ang nangyari sa akin. Nabadtrip ako, pinagtripan ko ang buhok ko. Ang ending, nagkaroon ako ng bangs na akala mo buntot ng kabayong isang linggo hindi nasuklayan.
Engot lang.

Saturday, March 19, 2011
Next to Normal Manila
Sabog ang luha ko sa musical play na 'to! Ang galing ng mga actors, ang galing ng message ng songs, nakakaiyak. Shet. Next to Normal Rocks!
Wednesday, March 16, 2011
time space warp, ngayon din!
Parang ibinalik ako sa panahon ni Maria Clara nang bumisita kami sa LAS CASAS FILIPINAS DE ACUZAR sa Bagac, Bataan. 500 per head ang entrance fee para ma-experience mo ang mga lumang dingding, poste at hagdan.
Ang ibang buildings ay ginawang hotel para sa mga bisita na gustong mag-stay. But wait, expensive ang mga rooms ha. Sa sobrang mahal, mga illustrado lang makaka-afford. At kaming mga aliping sagigilid, hanggang pasyal lang.
Kakaiba, matutulog ka lang sa bahay na parang may white lady, kailangan mo pa magbutas ng bulsa?

Tuesday, March 15, 2011
island queen: March Wanderlust
The original plan is to tour Hundred Islands in Pangasinan but 3 days before departure, travelmates became flakers. Kainis, biglang nagback-out?!
So I immediately pushed plan B button. At dito kami dinala....LA PLAYA DE CALETA COVE BATAAN.
It was love at first sight. The amazing sun reflects blue skies into the sea and makes the sand sparkling white. Kami lang ang tao sa island, kaya naman kahit magtatakbo ka ng naka-hubo, nobody will care!
The island experience costs us P2500 per head. This includes the food, tent and lahat ng pwedeng magpa-relax sa iyo. Buti na lang, super bait at maalaga ang tour guide namin na si Kuya Michael. At winner din ang foodies na sine-serve niya. Promise, wasak ang diet ko sa sarap ng food!
May nipa huts sa island, may tent din pero we decided to sleep sa gitna ng shore. Mga adik lang kasi, kung anong mapag-tripan. Paggising namin ng umaga, ayun nangangatog kami sa lamig.
Morning after nag-trek kami sa isang part ng island, as in super yakap sa batuhan para hindi mahulog. May part na kitang-kita mo ang ilalim ng water. Sa sobrang linaw, para kang nakasilip sa isang malaking aquarium. Ang daming Nemo at ang yayabang ng mga sea urchins at nagpuputukan sa dami ng star fish! Ay ganda!
After the trek, nakaready na ang fresh buko. Patabaing baboy lang.
Sarap maging queen sa island na ito. =)

big aquarium |
crazy travel buds. Jenn, Jeni and DS |
paradise |
patabaing baboy. |
love at first sight |
Subscribe to:
Posts (Atom)