To celebrate V-day, DS and I explored MT. PINATUBO.
Last year pa namin plan ang umakyat, pero dahil sa maraming excuses hindi matuloy-tuloy. Kaya naman naisip naman binigla ko ng alis si DS. Ayan natuloy din =)
We joined a group tour ng
Pinaykeypoint Team. May apat kaming kasamang foreigners at isang group ng mga callcenter agents na, well, madaldal. Hahaha! Nakilala din namin ang makukulit na tour guides na sina Lyn and Jane. Strangers turns into friendship naman sina Ma'am Sally at ang mag-partners na sina Anjela and Cuckoo.
7am nakasakay na kami sa 4x4 paakyat. Ang saya-saya ng ride, naalog ang utak ko! Untog dito, untog doon! It's a different world pagpasok ng Pinatubo, rocks and lahar ang sasalubong sa iyo. Don't mention ang nakakabahing na alikabok.
=)
After the 1hour balentong ride, it's trekking time. Trekking up, down, in between rocks and streams is not easy. Nakakapagod, pero kapag ililibot mo naman ang mata mo, breathtaking ang mga sceneries. Mapapaisip ka kung nasa Pilipinas ka ba talaga o baka naman Lord of the Rings saga na ito?!
Here's a quick look.
|
Ang madapa, kawawa! |
|
Thank you, Lord sa ganda nito. |
|
Parang nakasakay sina Shaider at Annie! |
|
My precious. Hahaha |
|
So calm. Huwag ka na sasabog ha. |
Ang ganda di ba?! Ayoko nga maniwala na bunganga ng mabangis na volcano yung pinuntahan namin. Ang lamig kasi ng water sa lake. May part pa na nagye-yellow ang mga bato dahil sa sulfuric chorva.
Mas naging masaya din ang tour namin dahil sa kwentuhan. Nakilala namin si Ma'am Sally, mag-isa lang siyang nag-drive at nakisabay sa tour. She's a CPA lawyer at mahilig talaga siyang gumala. Sabi niya, mahilig talaga siya magtravel na halos wala na siyang naiipon. Pero sabi niya, kahit wala siyang naipon mamamatay siyang masaya. At least marami siyang napuntahan at naexperience before siya kunin ni Lord. Wow, idol ko na siya agad!
Project Wanderlust for February. Check!
=)