Monday, November 7, 2011

papak!

Elementary days nang nakilala ko si Dingdong. 
Muli kaming nagkita kahapon, ang dami na pala niyang pagbabago.
At muli ko siyang natikman.
Inpernes, mas masarap siya ngayon.
Yum! =)



Saturday, November 5, 2011

i'm so excited and i just can't hide it!

1st trip to Mindanao. =)

Thursday, November 3, 2011

di naman ako natakot eh!

Favorite at bet na bet ko manood ng mga horror/suspense movies. Ang sarap kasing matakot at sumigaw! Wagas na wagas pa man din ako makasigaw kapag nagugulat.

Dati may writing raket ako. Nagsusulat ako ng mga 5 horror stories weekly. Hindi ako matatakutin, magugulatin lang. Pero na-experience ko yung time na nagsusulat ako ng horror, umalulong yung aso ng kapitbahay. Nagtayuan yung balahibo ko. Kasi I imagined na yung mga multo, aswang, engkanto na sinusulat ko ay nagmamasid lahat sa labas ng bahay. Galit sila sa akin dahil I'm creating stories about them. Creepy.

Anyhoo, ang topic ko talaga eh tungkol sa Kababalaghan, horror special ng dos. Excited ako manood kasi tradition ko din dati na manood ng Magandang Gabi Bayan tuwing Undas.

Hindi ako masyadong natuwa, parang ang luluma ng topics. Hindi ako natakot ng todo unlike dati na halos pumutok na yung pantog ko dahil hindi ako makapag-cr sa sobrang takot sa napanood ko sa MGB.

Wag ka, alone pa ako sa bahay nung pinanood ko yun noh! Wala masyadong epek. Sana next year mas mag-upgrade na yung topics nila.

Tuesday, November 1, 2011

que horror!

Heypi Halloween!

When I was younger, our traditional Undas celebration ay sa Laguna. Uuwi kami doon, magluluto ng Sinukmani (Biko), magpuputol at magtutusok ng bulaklak sa paso at ire-ready ang naghahabaang kandila. After lunch, pupunta na ang lahat sa Panchong (sementeryo). Madalas mini reunion ang nangyayari sa family dahil ito yung time na holiday mode ang lahat ng may pasok.

Ngayon, sobrang bago na. Night before Undas, our family would celebrate Halloween Party. May theme but not necessarily nakakatakot. May isang Halloween Party nga kami dati, Pajama party ang theme tapos ang happening DVD marathon ng horror movies.

Before, kids are required to help our Lelangs and Tiyas sa lahat ng preparations. Ngayon, my younger cousins eh nagtsi-tsikahan lang o kaya nagpapa-cute. Wish ko, dalawin sila ng mga kamag-anak naming tegi na. Hahaha! Pasaway.

Ang daming pagbabago, may masaya at may nega. Paano man natin i-celebrate ang Undas, ang importante we give prayers sa lahat ng mga nauna na sa ating na-tegi babes.

Tuesday, August 30, 2011

L for LaUnion!

July-August Project Wanderlust check!
don's post bday backpack gala.
august 1 monthsary chorva.
one seat apart, no cheating.
let's party outside turns into borlogs party.
hungry waves ate me alive.
acy-the girl who ate sand moment.
ma-cho temple no entry its already tegi.
halo-halo saves the day.
thank you don and jenn.




L for Laos


poposing lang
Ma-cho Temple


halo-halong iloko

okay sa okoy 

hindi po iyon kanin. 

Monday, July 18, 2011

Hail the Potterheads!

I first met Harry Potter sa bookstore. Interesting ang story kaya bumili ako ng copy. A week later napanood ko sa Oprah (book club segment), she recommend the book dahil best seller na ito sa Europe.

Bumalik ako sa bookstore to buy  HP's second and third book, potah nagulat ako kasi nagmahal na agad ng 150pesos, nagkaroon lang ng Oprah book club logo!

And the rest is history of me as a Potterhead. Hahaha!

Dati gusto ko maging Hermione pero nang dumating si Luna Lovegod... Ako na si Luna Lovegod! Hippie lang. 

Yun lang. Ayoko magbigay ng review sa movie maiiyak lang ako.

Thursday, July 14, 2011

Hell's Kitchen --- Finale

Trev and Jillian were eliminated kaya't magsusunugan sina Nona at Russel sa finals. Naiiyak ako nang maalis si Jillian dahil bet ko siya, hehehe. Pero happy ang pag-exit ni Jillian dahil hindi pinaalis ni Chef Gordon ang black jacket niya, isa daw si Jillian sa mga strong contestants kaya deserving ito na umalis ng Hell's Kitchen na suot ang black jacket. Astig.

Kung experience lang naman, si Russel na ang panalo. Isa pa underdog si Nona mula pa 1st episode, ang dami na din niyang maling ginawa.

Ang huling challenge, sina Nona at Russel ang magiging head chef ng kitchen. At ang mga dating contestants ang magiging chefs nila.

At dito na nakita kung sino ang dapat na manalo...Do or die moment na ito for Nona and Russel.

Final two!

Naniniwala ako na may kanya-kanyang diskarte para mapasunod ang subordinates mo. Si Chef Gordon, malupit, galit, perfectionist! Pero marunong siyang magbigay ng 'push' kapag nakitaan ka niya ng talent.

Sa kitchen ni Russel, maayos ang leadership niya pero MAYABANG. Paano niya mapapasunod ng maayos ang mga chefs kung yayabangan niya? Kung palagi niyang ipapamukha sa mga chef na he runs the show? Ego trip.

Sa kitchen ni Nona, magulo dahil puro raw lamb ang niluluto ni Chef Boris. Lumapit si Nona kay Boris, kinausap niya ng maayos, hinawakan pa niya sa balikat. Pinakalma niya at sinabi niyang kaya nila ang challenge. After nun, umayos ang flow sa kitchen. At dahil doon, Nona gains respect from all the chefs. Hindi niya kailangang magmura, hindi niya kailangang magalit para mapasunod ang lahat. Walang ego tripping instead she fired the team's confidence na kaya nilang magluto.


Based sa customer comment card and Chef Gordon's decision, Nona wins Hell's Kitchen!

Disappointed si Russel eh kasi feel na feel na niyang siya ang winner. Epal pa, he blame his chefs kung bakit siya natalo. Sa final camera-vo, sinabi ni Russel iba-blacklist niya ang mga ito.

Chef Gordon, made the right decision. Congrats Nona! =)